Negros Occidental nagpadala ng PHP200,000 worth of NFA rice para suportahan rin ang mga negosyanteng magsasaka sa probinsya.
Philippine National Police magpapadala ng halos 1,500 na pulisya, lalo na sa Chinatown, upang siguraduhing ligtas ang pagdiriwang ng Chinese New Year.
Good news sa lahat ng estudyante! Pinayagan na ng Department of Budget and Management ang paglabas ng PHP3.41 billion para suportahan ang libreng edukasyon para sa mga halos 74,262 na tertiary students.
Patuloy pa rin ang libreng theoretical driving courses ng LTO.
Japanese Embassy sa Manila nagbigay ng PHP6.1 milyong tulong para sa isang Filipino foundation sa pagbili ng eye surgery equipment nito.
Senador Francis Tolentino, sa ilalim ng kanyang programa na ‘Tol in Action’, nagbigay tulong sa mahigit 20,000 residente ng Davao.
Business permit renewals sa Taclobo umabot ng PHP210 million last year.
Simula na ng pagdiriwang ng National Arts Month! Kasama ang DOST at NCCA, nagbukas ng art exhibits sa Senado ng Pasay City nitong Martes.
Isang organisasyon ng mga magsasaka ang nakatanggap ng tulong mula sa INSPIRE program ng DA.
Simula na ang mga preparasyon para sa Mindanao Railway Project sa Davao City, Tagum, at Digos.