Tara na mga gamers! Handa na ang Museum of Contemporary Art and Design at ang Gamers Union for Innovation and Leadership Development para sa isang Virtual Reality Games Day sa Martes, Pebrero 13, 2024.
Aprubado na ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board ang bagong wage order na nagbibigay ng bente pesos na dagdag sahod araw-araw para sa mga pribadong manggagawa sa rehiyon.
Mga taga-Metro Cebu at Tagbilaran City, pwede na mag-order ng mga bulaklak at regalo para sa mahal sa buhay ngayong Valentine’s Day sa pinakamalapit na PhilPost offices sa inyong lugar.
Na-inspire si Speaker Martin Romualdez sa mataas na rating sa kanyang performance sa isang survey kamakailan, at nangakong mas gagalingan pa ang pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay sa pamamagitan ng batas.
Hinahamon ngayon ni Pangulong Marcos Jr. ang kanyang administrasyon na ipatupad ang isang ‘tunay na reporma’ sa agrikultura para sa mas magandang kalidad na buhay ng mga magsasaka.